:::† åNgeL oƒ §orr0w †:::

My Categories

My Links:

your name:

url:

your message:

September 30th, 2008

family tree

Posted by freeyourmind at 11:14 PM on September 30, 2008.

Sasabog na yata utak ko. Andame kong iniisip. Tangina. Pero suwerte na rin yata akong maituturing dahil may mga problema pa kong iniisip. Ibig sabihin buhay pa ko. Dati pag magulo utak ko, mabilis pa sa alas kuwatro ang maglaslas ako. (Emo? Hinde. Punyetang salita yan naimbento pa amputa. Pasintabi na lang sa mga "emo" na nakakabasa nito. Bigla kasi kayong nag-exist out of nowhere eh.)

Bueno, kelan lang eh napepressure ako sa tatay ko. Gusto niyang makuha na agad ang perang ipauutang sa kanya ng jowa ko. Eh dahil sa negosyante si jowa, gusto niyang makita ang business plan ng tatay ko. Na hindi naman alam gawin ng tatay ko. Ako naman 'tong si marketing grad, nabura na ang pagiging eksperto ko sa paggawa ng business plan. Kaya heto, humingi ako ng tulong sa bisor ko. Eksperto kasi siya dun. Kapatid niya daw bahala sa accounting dahil ayun ang forte niya.

Kanina, nag-init tenga ko kasi nagsalita na naman si erpats about dun sa inaantay na puhunan. Kesyo ang dami daw na rekotitos na hinihingi ni jowa. Sabi ko, ganun talaga. Negosyante eh. Gusto lang makita nung tao kung ano ang magiging ROI (return of investment) niya. Si erpats naman, aburidong-aburido. Atat na atat nang makuha yung kapital at nang makapagsimula na "daw".

Bagay na ikinakakakaba ko dahil minsan na siyang nagpakitang gilas nung magtayo siya ng mini-carinderia. (Tama! Wala pang isang linggo, sarado na. Galing mo! Pa'no mo nahulaan yon!) Pa'no kasi puro alak ang inaatupag.

Mabalik tayo dun sa pagka-aburido ni erpats. Sabi ko, "Buti nga nag-volunteer yung isa (si jowa) na pahiramin tayo. Eh yung mismong kamag-anak nyo nga, ni hindi kayo mapautang ni singkong duling eh!"

Hay..

Wala naman akong problema sa erpats ko eh kundi ang pagiging lassenggo niya simula nang.. (ah ewan! ni hindi ko na maalala kung kelan siya nagsimulang maging lasenggo!) Mabait siya kung sa mabait pero ang tigas ng ulo! Sinabi nang bawasan na ang pag-inom eh. (60 na po kasi erpats ko. Magbibirthday na nga ulit siya sa Nobyembre eh.)

Si ermats ko naman, ayun, mahilig pa ring magsabong.

Si panganay na kuya ko naman, ayun, 38 na, adik pa rin. (literal)

Si pangalawa na kuya ko naman, ayun, 11 years nang may pamilya pero samen pa rin nakatira.

Kung tutuusin, may mga taong  mas malalaki pa ang problema kesa saken. Ewan ko ba. Nawawala na naman ako sa katinuan ko. Mas masaya pa ko pag kasama ko mga kaibigan ko eh.

magsalita ka!

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website: