family feud
Posted by freeyourmind at 12:17 PM on October 5, 2008.
heto na naman mudra at pudra ko..
gustong ibenta ng mga magulang ko ang nag-iisa na lang namen na lupain sa Laguna. sabi ng nanay ko sobrang tayog daw nun at kahit mamatay pa daw siya hindi namen mapupuntahan. 5 hectares lang naman. equivalent sa 50,000 square meters. 5 million pesos daw bibilhin at kahati ng nanay ko ang kuya niya. so tig 2.5 million pesos sila. teka.. let's do the math..
5 hectares = 50,000 sq m
Php 5,000,000 / 50,000 sq m = Php 100/sq m
kayo na maghusga kung mahal o mura...
dati binenta rin ng mga magulang ko ang bahay namen sa Pineda..
binenta rin nila ang taxi namen, ang Besta na van, owner, etc..
tapos nagulat ako kanina nang malaman ko sa panganay kong kuya, na yung lupain namen ng lanzonez sa Laguna eh binenta rin nila nung mid-90's..
ngayon, puro utang kame sa bangko.. hindi ko alam kung san na napunta yung mga pera.. pag tinatanong ko nanay ko, silip daw ako nang silip.. tapos nakasigaw na at nagbubunganga.. isa lang naman ang gusto ko at ng panganay ko na kuya eh.. PALIWANAG.
natatandaan ko noon, nung maliit pa ko, madami kameng katulong sa bahay. malakas ang bakery namen. may mga panadero pa nga kame nun eh. tapos kahon-kahon ang mga softdrinks at beer namen sa tindahan. (kahoy pa nga case ng softdrinks nun eh..)
ngayon, may paupahan kame sa likod ng bahay namen. 3 pinto. up and down. 2 bedrooms each.
pero kulang pa rin yung sinasahod ko sa trabaho. pagpalagay na kada kinsenas eh may Php 8,000 ako. yung 4,000 dun eh sa nanay ko, at 500 naman sa tatay ko. eh di 3,500 na lang pera ko. eh pag sahod ko namimili ako ng pagkain na maiuuwi. yung 500 eh parang barya na lang. so may 3,000 pa ko. eh nagbabayad ako ng internet kada buwan. so pagpalagay na minus 1,000. eh di Php 2,000 na lang pera ko. pagkakasyahin ko yun within 15days. may mga pangangailangan din ako monthly, like toiletries, napkins, etc. ang 1,000 ngayon pag nabaryahan, parang bula kung mawala.
akala ng mga kaibigan ko malaki ang sinasahod ko. siguro malaki na rin kung sa sarili ko lang yun ginagastos. eh hindi. 7 tao kame dito sa bahay. tapos minsan makakarinig pa ko nang kuripot daw ako. punyeta.
enough of this calculation. sumasakit na ulo ko eh.
ang punto ko lang naman dito eh. 3 taon akong nagtatrabaho. 3 taon akong nagbibigay samen. hindi naman sa isinusumbat ko pero sana naman makita nila na may sariling buhay din ako.
2 ang kuya ko. may pamilya na yung isa at 2 anak. pero samen pa rin nakatira. ultimo kuryente samen nakakabit.
walang trabaho mga magulang ko. yung hipag ko naman. kulang pa yung sahod niya para sa kanilang mag-anak.
ano pa nga bang masasabi ko kundi anak ng teteng.
ibinenta na lahat. wala nang natira.
12 na ang nagsalita
dull_soul

kc php500/sq.meter ang bentahan ng lupa khit n sbhin mong sa laguna un.
dpat php 25,000,000.00 ung hlga ng properties.
remember ehenyero at arkitekto mga tyuhin ko.
freeyourmind

kahit na sabihin ko sa kanila na kumunsulta pa tayo sa mga experts..
eh ang nanay ko nga atat na atat na
maibenta yung lupa..
kahit magkano daw, kahit mura pa,
basta maibenta.
kumukontra kame ni kuto kaso wala rin kameng magagawa..
kasi binubungangaan lang kame at inuungkat pa kung pano sila nagsimula etc.
would you believe yung bahay namen sa Pineda (2-storey yun ha, parang yung bahay din namen dito), eh binenta lang nila ng 230,000..
kasi laki ng bahay namen dito..
katatapos ko lang sabihin kay erpats yung sinabi mo about sa 500/sq m...
bundok daw kasi kaya ganun kababa..
hay..
ewan ko.
bahala sila.
malapit na kong lumayas dito eh.
sexyever
freeyourmind

magulo dito samen..
lahat nagkokontrahan ng idea..
hehe..
buti pa kayo ng mudra mo..
kurtney (guest)

kung 3 taon nila hindi makita na may "buhay" ka din.. cguro naman kung magmamatigas ka kahit papano ngaun makita na nila yun..
freeyourmind

actually, medyo sinisimulan ko na nga eh..
nag resign na ko sa work..
maraming salamat ha..
frankstub14
freeyourmind

salamat ha, frankstub14..
frankstub14
freeyourmind

wish ko lang magawa ko yun.
hahahaha..
frankstub14
freeyourmind

hehe..